Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Paano mapapanatili ng netizen ang privacy sa Facebook.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Wednesday, October 29, 2014
6:44 PM
Nakasalalay pa rin sa social media user ang pagpapanatiling pribado ng kanyang sarili online.
Ito ang paliwanag ng isang Technology Expert.
Mismong sa Korte Suprema na nanggaling na hindi ganap na pribado ang Facebook Post ng isang user kahit pa naka-'friends' ang setting nito o ang makakakita lamang ay ang kanyang 'friends'.
Kasunod ito ng desisyon ng SC sa kaso hinggil sa limang estudyante sa Cebu na hindi pinayagang magmartsa sa graduation dahil sa malaswang litrato na kumalat sa Facebook.
Kinatigan ng mga Technology Expert ang pahayag ng SC na walang permanenteng privacy policy ang Facebook.
May ilang paraan para masilip pa rin ang ilang impormasyon sa social media kahit na ito'y nasa "only me."
Maaaring magawan ng paraan para maibalik kahit ang mga post o larawan na sadya nang binura ng isang user.
Upang mapanatili ang privacy ng isang Facebook user, tingnan ang audience selector ng isang account.
Sakali namang magpagawa ng nasirang gadget na naglalaman ng mga pribadong larawan, video o impormasyon, ipinapayo ng tech expert na: "Bantayan habang inaayos, tanggalin 'yung memory card kasi hindi naman kasali sa inaayos, kung laptop 'yung hard disk tanggalin."
Pero pinakamainam pa rin anyang gawin ay huwag nang kunan ng larawan o video ang sarili sa paggawa ng malisyosong mga bagay.