Hindi lamang umano alam ni Undefeated American Boxer Chris Algieri na noon pa man ay naglalaro na si Manny Pacquiao ng basketball kasama ang kanyang sariling team.
Ito ang sagut ni Pacquiao sa mga patutsada ni Algieri matapos naglaro ito sa bagong team sa Philippine Basketball Association o PBA na Kia Sorento.
Ayon kay Pacquiao noon pa man kahit hindi pa ito kongresista ay naglalaro na siya kasama ang kanyang kapatid na si Bobby malapit sa kanilang bahay sa Labangal bago lumipat sa unang mansion.
Liban dito, may basbas din umano coach Freddie Roach ang paglaro niya ng basketball noong nakaraang Linggo kaya't walang dapat na sabihin dito si Algieri.
Una nang nagpatutsad si Algieri kay Pacquiao na nagsisilbi ring playing coach sa kabila na nalalapit na ang kanilang championship fight sa Macau, China.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Pacquiao bumuwelta kay Algieri.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Thursday, October 23, 2014
6:33 PM