Maging sa iba't ibang dako ng mundo ay umani rin ng atensyon ang paglalaro ni Manny Pacquiao sa professional basketball sa PBA.
Bukambibig din ng ilang mga dayuhang sports writers ang pagiging playing coach ng Pinoy ring icon.
Lalo na sa social media na Twitter at Facebook ay naging patok ang panadaliang appearance ng fighting congressman.
Una nang lumutang ang PBA statistics ni Pacman sa first half ng paglalaro na umabot lamang sa 7 minutes, walang puntos, isang foul at dalawang turnovers.
Maging ang ilang boxing analysts ay hindi naiwasang mangamba sa kalusugan ng eight division world champion lalo na at nasa kalagitnaan siya ng training kontra kay Chris Algieri.
Si Algieri ay nagpaabot din ng mensahe na sana ay hindi ito magkaroon ng injury.
Pinapag-ingat niya si Pacman dahil nais niyang matuloy ang laban at wag sanang magkaroon ng aberya.
Ang isa namang beteranong doktor ng PBA ang nagsabi na bagamat kabado rin sila sa paglalaro ni Manny sa basketball, kadalasan naman ang mga buto ng boksingero ay matitibay dahil sa sistema ng kanilang training.
Una nang sinabi ni Pacquiao na hindi siya takot na maglaro sa PBA dahil nasa likod niya ang Diyos at inaalagaan siya.
Samantala, hindi na makapaghintay sa nalalapit na laban ang undefeated American boxer na si Chris Algieri kontra sa eight division world champion na si Manny "Pacman" Pacquiao sa Nobyembre 23 na gagawin sa Macau, China.
Ilan umano sa mga diskarte ni Algieri ay sirain ang rhythm ni Pacquiao sa boksing.
Ayon kay Algieri, mananalo umano siya sa laban kung masisira niya ang rhythm ni Pacquiao katulad ng ginawa ni Juan Manuel Marquez kung saan na KO ang dating pound-for-pound king.
Dagdag pa ni Algieri, ang kaniyang talino ang magiging main weapon sa laban kontra kay Pacquiao.
Susubukan naman ni Pacquiao na depensahan ang kaniyang korona sa kampeon din at undefeated American boxer. (BomboRadyo.com)
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Paglalaro ni Pacquiao sa PBA, usap-usap din ng mga foriegn sports analysts.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Monday, October 20, 2014
6:54 PM