Dumulog ang isang pari sa Bacolod Police station 8 matapos sinampal ng isang Ginang sa loob mismo ng compound ng simbahan.
Kasong Unjust Vexation at Threat ang ipina-record ni Father Farley Ray Santillan, parish priest ng San Antonio Abad Church
Ayon kay Fr. Santillan, siya ay dinuro, tinawag na bastos at sinampal ng ginang na kinilalang si Ligaya Lizares, legal ang edad at nakatira sa Brgy. 14, Bacolod City.
Dagdag pa ni Father Santillan na bago umalis ang nasabing ginang sakay ng isang pribadong sasakyan, muntik pa umano siyang sagasaan nito.
Hindi nagtagal matapos umalis si Ginang Lizares, dumating naman ang anak nito at nagsabing sila ang may-ari ng lupang kinatatayuan ng simbahan.
Hindi pa tinutukoy hanggang sa ngayon kung ano ang pinag-ugatan ng gulo sa pagitan ng mga Pamilya Lizares at ni Fr. Santillan.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Pari sinampal at muntik sagasaan sa compound ng simbahan.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Wednesday, October 1, 2014
9:08 AM
Facebook
Twitter