BACOLOD CITY - Sugatan ang isang 21-anyos na babae matapos saksakin ng misis ng lalaki na kanyang kasama mula sa isang lodging house sa Bacolod City.
Sugat sa balikat at braso ang tinamo ng kalaguyo matapos sinaksak ng ginang na si certain Maricel.
Napag-alamang naaktuhan ng misis ang mister kasama ang babae sakay sa trisikad palabas mula sa lodging house kahapon ng hapon sa Brgy. Taculing sa lungsod ng Bacolod.
Dahil dito hinarang ng ginang ang sinasakyang trisikad ng dalawa at inaway ang mga ito hanggang sa kanyang nasaksak ang babae.
Batay naman sa pangangatwiran ng babae, nag-iinuman lamang umano sila ng mister ng suspek sa loob ng lodging house.
Ang hindi pinangalanang babae ay sinasabing residente ng Sipalay City sa lalawigan ng Negros Occidental ngunit temporaryong nakatira Purok 3, Magsungay, Brgy. Singcang Bacolod City at ang misis naman ng lalaki ay nakatira sa katabi na Purok 4 sa nasabing barangay. | via@BomboRadyoBacolod
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Pinaniniwalaang lover ni Mister sinaksak ni Misis.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Thursday, October 23, 2014
6:44 PM