Si Punzalan ang pinakabatang winner sa kasaysayan ng X Factor Australia at pinakaunang pure Filipino.
Nanalo ang 15-year old singer matapos makakuha ng pinakamaraming boto.
Napag-alaman na sa kaniyang X Factor journey ay consistent si Punzalan na palaging nakakuha ng standing ovations mula sa mga judges.
Sa kaniyang grand finals performance kagabi na siyang pinagbatayan ng botohan para sa mananalo, inawit ni Punzalan ang Beatle hit na "Yesterday" na kaniyang audition song noon.
Dito ay binigyan siya ng apat na judges ng standing ovation.
Ayon sa dating Boyzone member at mentor ni Punzalan na si Ronan Keating, "worthy" si Marlisa na tanghaling kampeon sa nasabing reality singing competition.
Sa kaniyang isang performance, inawit ni Punzalan ang "Stand by You" na magiging unang single na rin niya.
Dito ay muli siyang binigyan ng standing ovation ng apat na mga judges.
Nabatid na bumilib ang mga judges sa talento ng Pinay dahil sa mataas na boses nito at hindi natakot sa kaniyang song choices sa kabila ng kaniyang batang edad.
Bata pa lamang ay nais na ng Pinay na maging professional singer.
Bagama't aminado ang 15-year old na high school student sa Western Sydney na mahiyain siya at gustong magkaroon ng confidence.
Bago ang pagsali sa X Factor, nagpi-perform na si Marlisa sa mga concert nina Jose Marie Chan, Aegis band at ni Sharon Cuneta noon sa Sydney.
Si Punzalan ay isinilang at lumaki sa Sydney bagama't ang mga magulang nitong sina Lito at Andrea ay tubong Bataan.
Noong 1982 nang mag-migrate sa Australia ang ama ni Punzalan habang 1990 naman dumating sa nasabing bansa ang kaniyang ina bagama't hindi madalas na nakakauwi ng Pilipinas ang Pinay singer. (BomboRadyo.com)