Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Solar Eclipse 'di makikita sa Pilipinas.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Thursday, October 23, 2014
12:07 PM
Nilinaw ng Pagasa na hindi makikita sa Pilipinas ang solar eclipse ngayong araw.
Ayon kay Pagasa Astronomical Division head Engr. Dario dela Cruz, masasaksihan ito sa central at eastern horizon, partikular na sa ilang bahagi ng Estados Unidos.
Ang solar eclipse ay ang pagdaan ng buwan sa pagitan ng mundo at araw na lumilikha ng aninong nakikita sa ilang bahagi ng daigdig.
Ang maximum eclipse ay maaasahan bago ang sunset mamayang hapon.
Payo naman ng Pagasa, huwag direktang titigan ang araw sa panahon ng solar eclipse dahil maaari itong makapinsala sa ating mga mata. | via@PAGASA; photo from TropicalSails.com