Labis ang pasasalamat ni Mrs. Veronica Rabang ng Ilocos Norte National High School o INHS sa lungsod ng Laoag matapos ibalik ng isang traysikel driver ang kanyang laptop sa mismong pinagtuturuan niya.
Subalit dahil sa sobrang tuwa ay hindi na natanong ni Mrs. Rabang ang pangalan ng nasabing traysikel driver maliban sa sidecar number ng ipinapasadang trysikel.
Ayon kay Mrs. Rabang, hindi na umano niya inaasahan na maibabalik pa sa kanya ang laptop subalit laking pasasalamat niya dahil sa kabutihan nang nasabing traysikel driver.
Umaasa ang nasabing guro na maging huwaran ng iba pang traysikel driver ang nagsauli sa kanyang laptop. (BomboRadyoLaoag)
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Traysikel driver, ibinalik ang laptop na naiwan ng kanyang pasahero na isang guro.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Wednesday, October 29, 2014
6:24 PM