TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Video ng Pinay OFW na minaltrato ng amo sa Abu Dhabi kumalat sa Facebook.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Wednesday, October 29, 2014

Isang Pinay Worker na nagtatrabaho sa Al Shamka, Abu Dhabi na sinagip ng mga kawani ng embahada ng Pilipinas mula sa pagmamalupit umano ng kanyang amo.

Unang kumalat ang video sa Facebook bago umano nakarating sa pamahalaan ng Pilipinas ang kalagayan ng nasabing OFW.

Mapapansin at mapapanood sa naturang video na tumatagal ng 41 seconds ang haba na palihim na kinukunan ng footage ng isa ring Filipina habang humihingi ng saklolo ang hindi na pinangalanang biktima na tubong lalawigan ng La Union.

Kasama umano nito ang isang Indonesian na pinagmamalupitan ng amo.

Kinumpiska rin ang sarili nilang cellphone dahilan upang hindi sila makahingi ng tulong sa mga kinauukulan.

Nagdurusa umano sa pananakit ng kanyang employer ang OFW sa loob ng tatlong buwan at hindi rin ito pinapasahod upang hindi makaalis sa pinagsisilbihang bahay.

Nagpapatuloy din ang isinasagawang imbestigasyon ng pamahalaan sa hinaing nang nabanggit na OFW.



Shared by: Chelle Dayaday Catoto

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S