TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Facebook, tutulong sa pagsugpo ng Ebola.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Saturday, November 8, 2014

Inilunsad ng social network na Facebook ang isang fundraising campaign, bilang suporta sa pagsugpo ng nakamamatay na Ebola Virus.

Inihayag ng social network na binuo ni Mark Zuckerberg na magdo-donate sila ng $25-million para sa Centers for Disease Control Foundation.

Bukod sa nasabing foundation, balak din nilang tulungan ang iba pang grupo gaya ng International Medical Corps., International Federation of Red Cross at Red Crescent Societies at Save the Children.

Nakatakdang makatanggap ang mga 1.3-billion Facebook users ng message sa taas na bahagi ng kanilang news feed kung saan naroroon ang pagpipilian kung nais mag-donate ang isang user.

Makikipagtulungan din ang kumpanya sa United Nations International Children’s Emergency Fund o UNICEF para sa nasabing proyekto. source from Facebook

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S