TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Honest na driver, umani ng papuri sa Boracay matapos isinauli ang P3.5-M cash sa Koreans.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Saturday, November 8, 2014

Umani ng papuri isang honest na driver sa Boracay matapos isinauli ang P3.5-M cash sa Koreans sa harap ng D'Mall sa isla ng Boracay.

Bumibiyahe si Zaldy Lagunday, 46-anyos, at residente ng Brgy. Manoc-Manoc, Boracay nang madiskubre sa harapang upuan ng kanyang tricycle ang isang bag at nang buksan ay laking gulat nito nang makita ang maraming perang laman at cellphone.

Kaagad na dumulog si Lagunday sa pulisya at naibalik ang naiwang bag sa pasahero na pagmamay-ari ng dalawang Korean Nationals at nagbabakasyon lamang sa isla.


Nang magkita ang tatlo sa police station ay kaagad na niyakap ng mga turista ang driver at pinasalamatan.

Dahil sa katapatan, nakatakdang parangalan ng Boracay Land Transport Multi-Purpose Cooperative o BLTMPC ang driver dahil sa pagiging tapat na miyembro nito.

Sinabi ng driver na hindi sumagi sa kanyang isip na kunin ang pera kahit na malaki rin ang kanyang pangangailangan.

Maliban dito, malaki umano ang kanyang takot sa Diyos.

Naniniwala si Lagunday na may malaking sukli ang paggawa ng tama.

Si Lagunday ay may apat na anak na pawang nag-aaral at ang pagiging tricycle driver lamang ang kanilang ikinabubuhay. (photo from Jonathan Cabrera)

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S