TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Ilang peanut butter brand, ipina-recall dahil sa salmonella.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Monday, November 17, 2014

Nagbabala ang Food and Drug Administration o FDA laban sa pagkain ng ilang peanut butter products na kontaminado ng salmonella.

Sa abiso ng FDA, ilang batches ng Arrowhead Mills Creamy Organic Peanut Butter at Arrowhead Mills Crunchy Organic Peanut Butter na may expiration date na Disyembre 2014 at Pebrero at Mayo 2015 ang kontaminado ng bacteria.

Boluntaryo na itong inalis ng mga distributor na OneStop Distributor Incorporated at Healthy Options sa kanilang mga estante.

Paalala ng FDA, sakaling makakita ng ganitong produkto sa ibang tindahan ay maaari itong ireport sa ahensya.

Maaaring magdulot ng typhoid fever at food poisoning ang salmonella. source from FDA

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S