Nilusob ng mga kawani ng Regional Intelligence Unit o RIU ang isang ilegal na katayan sa Brgy. Alijis sa lungsod ng Bacolod.
Tumambad sa mga awtoridad ang maduming pasilidad kung saan nakalatag sa semento ang mga karne ng baboy at nakahalo sa dumi ng hayop.
Kinumpiska ng RIU ang nasa 100 baboy na nakatakdang katayin para sa Undas.
Tinatayang nasa isang taon na ang operasyon ng ilegal na katayang nagsusuplay sa dalawang pangunahing palengke ng lungsod.
Napag-alamang pag-aari ito ng dating Barangay Captain na si Marianito Yelo.
Binanggit din ng RIU na may basbas ni Mayor Monico Puentevella ang operasyon ng katayan.
Nahaharap si Yelo at 13 niyang manggagawa sa kasong paglabag sa Meat Inspection Law at ordinansang Ilegal Slaughtering.
photo from Bryan Morden of AKSYON RADYO BACOLOD