Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
KO win ni Pacman vs Algieri mahalaga para walang dahilan si Floyd Jr.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Saturday, November 22, 2014
5:55 PM
Naniniwala ang Chairman ng Philippine Sports Commission o PSC na si Ritchie Garcia na mananalo ang 35-anyos na Filipino ring icon Manny Pacquiao laban sa 30-anyos na American boxer at current WBO light welterweight champion na si Chris Algieri sa kanilang laban bukas sa Cotai Arena sa Venetian, Macau, China.
Hiling ni Garcia na sana ma-knockout ni Pacman o ma-TKO ang binansagang “The King of New York” na si Algieri para makumbinsi ang lahat upang matuloy na sa susunod na taon ang matagal ng inaasam-asam na laban kontra sa Amerikanong boksingero na si Floyd Mayweather, Jr.
Ayon kay Garcia, hindi magiging problema ang height ni Algieri na 5’10” at mahahabang kamay nito laban kay Pacquiao na 5’6 ½" lamang ang taas at mas maikli ang reach nito.
Anya, mga dalawa o tatlo pa na fights kasama na rito ang magiging laban kay Mayweather. ang kaya ng eight-division world champion bago ito magretiro sa kanyang boxing career.
Samantala, walang kahirap hirap na pumasa sa catchweight si WBO welterweight champion Manny Pacquiao sa ginanap na offical weigh-in ngayong umaga sa Macau, China.
Taliwas ito sa undefeated at kampeon din na si Chris Algieri na dalawang beses na umulit at babalik pa sa ikatlong pagkakataon dahil sa overweight.
Sa unang salang ni Algieri ay tumimbang ito ng 144.4 pounds.
Dahil sa lagpas ay naghubad na si Algieri ng kanyang brief at tinanggal din ang kanyang kuwintas.
Tuwalya lamang ang naging tapis ni Algieri na tumimbang sa 144.2 pounds.
Dahil sa lagpas ay pinababalik ito makalipas ang dalawang oras.
Sa kanyang final weigh-in ay tumimbang ang New Yorker sa 143.6 pounds.
Una rito sinabi ng kampo ni Chris, na nagtapos na may masters sa nutrition, walang magiging problema dahil konting jogging lamang ang gagawin o magpapawis ay eksakto na itong papasa.
Si Pacman ay kampanteng kampante naman at naka-shorts at medyas pa nang tumayo sa weigh-in at tumimbang sa 143.8 pounds.
Ang catchweight ng kanilang championship fight ay sa 144 pounds.
Una nang sinabi ng fighting congressman na walang problema kung magaan man ang kanyang timbang dahil ito ang kanyang timbang noong panahon na ilang matitinding kalaban ang kanyang pinabagsak.