Nababalot ngayon ng takot ang mga residente ng Brgy.Buhisan,lungsod ng Cebu kung saan may tatlong sanggol na namatay umano matapos kinagat ng aswang.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Brgy. Buhisan Chairman Gremar Barete kanyang sinabi na inutusan na nito ang mga tauhan na magsasagawa ng imbestigasyon tungkol sa insidente.
Inamin ni Barete na sa mga nakaraang mga panahon ay mayroon umanong mga ulat ng mga aswang sa kanilang lugar.
Pero, iginiit ng opisyal na iba ang sitwasyon ngayon dahil may sinasabing namatay.
Kaugnay nito, panabulaanan ng opisyal ang mga napaulat sapagkat hindi siya naniwala sa aswang.
Ayon pa sa kanya, hindi niya mapigilan ang mga residente na matakot sa nagsilabasang ulat.
Maalala, na may isang lola ang nagpahayag sa mga kapitbahay na ang kanyang dalawang apo ay kinagat ng aswang dahil sa sugat sa leeg nito.
Habang may isang bata rin ang pinaglalamayan pa na may kagat din umano sa leeg. | via@BomboRadyoCebu
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Lugar na hinalalang may pinatay ng aswang, nabalot ng takot.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Sunday, November 16, 2014
8:17 PM