TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

'Nietes, gumawa ng history.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Sunday, November 16, 2014

Lumikha ng kasaysayan si World Boxing Organization o WBO Light Flyweight Champion Donnie "Ahas" Nietes, matapos malagpasan ang record ni Hall-of-Famer Gabriel "Flash" Elorde bilang World Junior Lightweight Champion sa loob ng pitong taon at tatlong buwan.

Ito'y matapos niyang mapanatili ang titulo laban sa Mexican Boxer na si Carlos Velarde sa naging laban sa Cebu.


Nagtapos ang bakbakan sa 8th round via Technical Knock Out o TKO matapos makita ni Referee Robert Byrd ang sugat ni Velarde sa kilay nito.

Sa ngayon ay hawak na ni Nietes ang 34 na panalo, isang talo at apat na tabla.

Habang ang pinakahuli niyang hinarap na si Velarde ay may 26 na panalo, apat na talo at isang draw.

Unang nakuha ni Nietes ang WBO title noong September 30, 2007 makaraang talunin si Pornsawan Porpramook ng Thailand.

Dito ay napanatili ng Pinoy ang belt sa loob ng tatlong taon.

Tumaas naman siya ng timbang noong October 8, 2011 at lumaban sa WBO light flyweight championship kontra kay Raul Garcia Hirales. | via@BomboRadyo.com

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S