TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Pinas at China, mag-aayos na?

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Saturday, November 8, 2014

Susubukan ng bansang Pilipinas na mapaganda pa ang relasyon ng bansa sa China sa kabila ng territorial at maritime dispute.

Ayon kay Ambassador Erlinda Basili, isa sa mga hakbang na gagawin ng gobyerno ay ang panghihikayat sa mga investors na magpuhunan sa Pilipinas para mapaganda ang trade ng dalawang bansa.

Maliban dito, hihikayatin rin ng Department of Tourism o DOT ang mga turista mula sa China na pumasyal sa iba’t ibang tourist spot sa bansa.

Ang China ang ikaapat na pinakamalaking source ng foreign travelers sa Pilipinas.

Inaasahan namang tatalakayin ni Pangulong Benigno Aquino III ang isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine sea sa 25th Southeast Asian Nations o ASEAN summit sa Myanmar sa Nobyembre 12.

Posible umanong makaharap ni Presidente Aquino sa summit si Chinese President Xi Jinping.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S