Bumuo na ang grupo ng mga doktor at health workers ng rapid response team na nakaantabay para i-deploy sa mga liblib na lugar sa bansa sakaling makapasok ang Ebola virus.
Ayon kay Department of Health o DOH spokesman Dr. Lyndon Lee Suy, ang mga miyembro ng rapid response team ay sumailalim sa training para pigilan ang pagkalat ng nasabing sakit.
Ang 122 na doktor na sumailalim sa special training ay siya ring gagabay sa iba pang health workers sa mga malalayong lugar para tugunan ang posibleng pagkalat ng Ebola.
Sinabi naman ni Dr. Julie Hall, World Health Organization o WHO country representative, ang mga team ay kailangan pa ring sumailalim sa comprehensive training.
Sa huling report ng DOH, nananatiling Ebola free ang bansa matapos magnegatibo sa nasabing sakit ang 126 Filipino workers na bumalik sa bansa galing sa mga bansang apektado ng nakamamatay na sakit. | via@BomboRadyo.com
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Rapid response team ng DOH binuo laban sa Ebola.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Monday, November 3, 2014
7:00 PM