Matapos maging ganap na batas ang Republic Act 10645, awtomatikong makikinabang ang mga senior citizen sa bansa sa Philhealth coverage.
Ayon kay Senate Pro Tempore Ralph Recto, author ng batas, hindi na kailangang mag-apply ang mga senior citizens para maging miyembro ng PhilHealth.
Sinabi nito na kailangan na lamang magpakita ng ID o anomang katibayan na sila’y senior citizen para matanggap nila mula sa ospital ang karampatang benepisyong laan sa mga miyembro ng PhilHealth.
Tinatayang aabot ngayon sa 6.1-milyong senior citizen sa bansa o mga mamamayan na may edad 60 pataas ang makikinabang sa nasabing batas. Johnny Arasga, REMATE
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Senior Citizens, awtomatikong miyembro ng PhilHealth.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Wednesday, November 12, 2014
8:26 PM