Nagbabala ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA sa mga manggagawa at estudyante laban sa mga ilegal na training at recruitment center.
Ginawa ni TESDA Director General Joel Villanueva ang babala matapos ipasara ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA ang RRR International Training Center dahil sa ilegal umanong pagre-recruit ng mga aplikante para magtrabaho sa mga pabrika sa Japan at Korea.
Ayon pa sa TESDA, wala sa kanilang listahan ang RRR International Training Center na may tanggapan sa Plaza Cristina Building sa Dolores, San Fernando, Pampanga bilang technical vocational school and training center.
Una nang inihayag ng POEA na ang mga training center ay walang awtoridad na mag-recruit ng mga manggagawa. | via@ABS-CBNnews.com
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
TESDA, nagbabala laban sa pekeng training at recruitment centers.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Monday, November 17, 2014
8:12 PM