TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Vigan City kabilang sa Top 5 walkable and bikable cities sa bansa.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Saturday, November 29, 2014

Walang pagsidlan ng kasiyahan ang mga Biguenos sa pagkakabilang ng syudad ng Vigan sa top most walkable and bikable cities sa buong bansa sa katatapos na recognition sa Malacañang.

Ang nasabing recognition ay parte ng pormal na paglulunsad ng 2015 Bayanihan sa Daan Awards, kung saan pinararangalan ang mga lungsod na naglulunsad ng urbanidad.

Ang tumanggap ng parangal para sa Vigan City ay si Vigan Vice Mayor Lulu Baquiran.

Naparangalan ang lungsod dahil sa kagandahan ng Calle Crisologo na siyang dinadayo ng mga turista dahil sa ganda nito at isang UNESCO World Heritage City.


Kabilang sa mga nakatanggap ng parangal ay ang Pasig City, Iloilo City, Cebu City at Marikina City.

Dahil sa panibagong karangalan ay mas lalo pang mapalakas ang loob ng mga Biguenos na kilalanin ang lungsod sa 7 wonders cities of the world. | via@BomboRadyoVigan; photo from TheTravelTeller.com

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S