Sa kasagsagan ng bagyo, isang ina ang nanganak sa evacuation center sa Canaman, Camarines Sur.
Nasa evacuation center sana ang buntis na si Babylyn Cariño, 29-anyos, nang makaramdam ito ng pananakit ng kaniyang tiyan.
Kaagad namang dinala sa birthing clinic ng nasabing bayan si Cariño kung saan niya isinilang ang isang malusog na baby girl.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Cariño, sinabi nito na "Ruby" ang ipapangalan niya sa kanyang pangalawang anak.
Kung lalaki sana aniya ang isinilang niya ay pangangalanan niya naman ito "Hagupit."
Ngunit hindi pumayag ang asawa ni Babylyn dahil ang gusto niya umano ay ang dating pangalan na naisip nilang mag-asawa ang ipangalan sa bata.
Nabatid na Xybel ang orihinal na plano ng mag-asawa na ipangalan sa kanilang anak.
Upang hindi magtalo, nagdesisyon ang mag-asawa na gawin na lamang na palayaw ng bata ang Ruby.
Samantala, dalawa pang buntis ang nagli-labor ngayon sa birthing clinic ng nasabing bayan na inaasahang manganganak mamayang gabi. | via@BomboRadyoNaga
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
'Baby Ruby,' isinilang ng ginang sa gitna ng bagyo sa CamSur.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Sunday, December 7, 2014
6:11 PM
Facebook
Twitter
