Magkahalong takot, saya at pagkamangha ang naging reaksyon ng asawa at mga anak ng isang 90-anyos na lolo na sinasabing halos tatlong oras na namatay, subalit muling nabuhay sa lalawigan ng Aklan.
Ayon sa 83-anyos na misis ng lolo na tumangging magpasambit ng pangalan, nagising na lamang siya dakong alas-11:00 ng gabi na hindi na gumagalaw at malamig na parang bangkay ang kanyang mister na katabi niya sa pagtulog.
Dahil dito, pinatawag umano niya ang kanyang mga anak dahil sa kalagayan ng kanilang ama.
Ilang ulit umano nilang sinubukang gisingin ang matanda, ngunit hindi na ito gumagalaw at nangingitim na.
Nagdesisyon na lamang ang buong mag-anak na magdasal kay Sr. Sto Niño de Kalibo dahil sa matinding debosyon ng matanda dito.
Habang dinadasalan at iniiyakan ang kanilang padre de pamilya na inakalang patay na ay nagulat na lamang sila ng biglang itinaas nito ang kanyang mga kamay at pilit na inaabot ang imahe ni Sr. Sto. Niño de Kalibo.
Bigla umanong dumilat ang mga mata ng matanda at agad na bumangon na parang walang nangyari at nag-kwento ng namasyal umano ito sa parang malayong lugar.
Dahil sa pagkagulat, sinabi ng kanyang misis na hindi agad nakapagsalita ang buong pamilya, pero nasiyahan din ang lahat nang masigurong buhay ang kanilang iniiyakan na ama.
Napag-alaman na labas-pasok na sa ospital ang matanda dulot ng iba't-ibang karamdaman dala ng katandaan.
Palaisipan pa rin hanggang sa ngayon ang nangyaring insidente, pero naniniwala sila na ito ay kagagawan ni Sr. Sto. Niño. | via@BomboRadyoKalibo
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Lolo sa Aklan na namatay, muling nabuhay?
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Saturday, December 6, 2014
6:09 PM