TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Pusa nanganak ng tuta sa CamSur.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Tuesday, December 2, 2014

"Imposibleng manganak ng tuta ang isang pusa dahil magkaibang-magkaiba ang pinagmulan nilang species." ito ang binigyang-diin ng isang veterinarian kaugnay sa napabalitang umano'y panganganak ng pusa sa Barangay Caranan, Pasacao, Camarines Sur, ng isang kuting at dalawang tuta.

Ang aso aniya ay mula sa pamilya ng canine habang ang pusa naman ay galing sa pamilya ng feline.

Una rito, ilang araw ng pinagkakaguluhan sa bayan ng Pasacao ang alagang pusa ng isang Anastacio Lanuan matapos na madiskubre niyang maliban sa isang kuting ay nanganak pa umano ito ng dalawang tuta.

Sinabi nito na inilagay niya sa karton sa itaas ng kanilang cabinet ang kanyang alagang buntis na pusa at kinaumagahan ay narinig niyang mayroong ibang ingay na nagmumula rito.

Nang tingnan ang karton ay laking gulat niya umano nang makita ang isang kuting at dalawang tuta katabi ng kaniyang alagang pusa.

Inamin din ni Lanuan na kinilabutan at natakot siya sa kanyang nakita dahil alam niya umanong imposible ito.

Para mapatunayan ang pangyayari, kailangan munang masuri ang nasabing mga hayop upang malaman kung ano ang katotohanan sa likod nito.

Ang kuko at paa ng dalawang tuta ay tulad sa pusa ngunit ang kanilang katawan ay sa aso.

Matapos ang ilang araw, natagpuan na lamang umano na patay na ang ina ng nasabing mga kuting at tuta na pinaniniwalaang nilason ng mga kapitbahay nila dahil sa inggit.

May ilan kasing naniniwala na swerte ang nasabing kakaibang pangyayari habang may ilan naman na nababalot ngayon ng takot dahil sa misteryong nasa likod nito. report from BomboRadyoNaga

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S