Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Partial Lunar Eclipse, April 4, 2015
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Saturday, April 4, 2015
8:19 PM
Nasaksihan ngayong gabi ang partial lunar eclipse sa bansa.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang eclipse ay mag-uumpisa dakong 4:51 ng hapon hanggang dakong 11:00 ng gabi.
Masisilayan ang buwan dakong 6:02 ng gabi hanggang 6:10 umaga ng araw ng Linggo.
Paliwanag ng PAGASA, nagaganap ang lunar eclipse kapag pumagitna ang Mundo sa buwan at araw.
Ang partial lunar eclipse naman ay mangyayari kapag ang mundo ay kikilos sa gitna ng araw at buwan subalit hindi bumuo ng diretsong linya sa kalawakan ang tatlong celestial bodies.
Sinabi ng PAGASA na kapag ganito ang mangyayari, mababalot ng kadiliman ang maliit na bahagi ng buwan sa pamamagitan ng anino ng Mundo, na tinatawag na umbra.
Ang nalalabing bahagi naman ng buwan ay matatakpan ng anino ng bahagi ng Mundo na tinatawag namang penumbra. | via@PAGASA