Isiniwalat ni Felix Nathaniel "Angel" Manalo ang katiwalian sa Iglesia ni Cristo o INC.
Aniya maraming katiwalian sa loob ng INC kung saan nauubos na umano ang abuloy ng simbahan sa mga proyektong hindi naman kailangan.
Isa sa mga kinikwestiyon ni Angel ay ang pagpapatayo ng Philippine Arena sa Bulacan na pinondohan ng malaking halaga na puwede sanang gamitin sa pagpapatayo ng mas marami pang kapilya.