Anim na estudyante ang sinapian umano ng masamang espiritu sa isang paaralan sa Banga, Aklan.
Nagulat na lamang umano ang mga guro nang biglang nagsisigaw at nagwala ang mga estudyante na para umanong sinasakal sa kalagitnaan ng ilang aktibidad sa kanilang intramural.
Ang mga sinapian ay pawang mga babae na may edad 15 hanggang 16-anyos at nasa Grade 9 ng isang pribadong paaralan sa nasabing lugar.
Ayon sa isang albularyo, bigla na lamang umano natutumba ang mga biktima at nanlilisik ang mga mata gayundin na nagsisigaw na parang hinihila ang kanilang leeg.
Hindi rin umano maintindihan ang mga pinagsasabi ng mga nasapian dahil nagbabago ang boses ng mga ito at pumipiglas.
Nagsimula umano ang pagsapi sa mga estudyante matapos ang construction ng isang silid-aralan na malapit sa puno ng langka at mangga.
Ilang mga estudyante rin ang nagpatunay na may nakita silang isang babae na parang nakabigti sa puno ng langka.
Sinasabing noong unang panahon, may isang babae ang nagbigti umano sa bisinidad ng nasabing paaralan na pinapaniwalaang ito ang dumidisturbo sa mga bata.
Tumangging magbigay ng komento ang pamunuan ng paaralan sa nangyari subalit sinabi nitong nagpatawag na sila ng pari upang magsagawa ng dasal at pagbasbas upang mapalayas ang masamang espiritu.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Anim na estudyante sinapian ng masamang espiritu?
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Thursday, July 23, 2015
10:01 AM
news from BOMBO RADYO KALIBO