TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Ano nga ba ang Eid’l Fitr?

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Wednesday, July 15, 2015

Idineklara ng Malacañang na regular holiday sa Hulyo 17, araw ng Biyernes bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr, ang pagtatapos ng Ramadan o ang banal na panahon ng pag-aayuno ng mga Muslim.

Sa Proclamation No. 1070 ni Pangulong Aquino, idineklarang regular holiday sa buong bansa ang Eid’l Fitr upang magkaroon ng pagkakataon ang lahat ng mga Pilipino na makiisa sa naturang pagdiriwang.

Dagdag pa sa proklamasyon, mahalagang maipabatid sa lahat ang pang-relihiyon at pangkulturang kahalagahan ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr.

Tatlong araw ipinagdiriwang ng mga Muslim ang Eid’l Fitr bilang hudyat ng pagtatapos ng isang buwang pag-aayuno.

Nangangahulugan na walang pasok bilang regular holiday ang lahat ng manggagawa sa pampubliko at pribadong tanggapan gayundin sa lahat ng paaralan sa buong bansa.


ANO NGA BA ANG EID'L FITR?:
Ang Eidl al-Fitr (Eid ul-Fitr, Id-ul-Fitr, o Id al-Fitr) ay isang selebrasyon ng relihiyong Islam sa unang araw ng Shaw'waal sa pagtatapos ng Ramadan. Gaya ng Pasko ng mga Kristiyano, isang napakasayang araw ito para sa mga Muslim kung saan sila ay nagpapasalamat kay Allah sa pagbigay ng buhay, malusog na pangangatawan, lakas at pagkakaroon ng pagkakataon upang magampanan ang obligasyon ng pag-aayuno at iba pang mga gawain sa buwan ng Ramadan.

Kadalasang pumapatak ang Eid pagkatapos ng ika-29 o ika-30 araw ng pag-aayuno, sa unang pagsikat ng bagong buwan. Nagsusuot ang mga Muslim ng mga bago at magagandang damit, nagbibigay ng pagkain sa mahihirap at nagdarasal sa umaga. Sinusundan ito ng pagsasalu-salo at pagdalaw sa mga kamag-anak at kaibigan.

Hari Raya Puasa sa salitang Malay ang katawagan sa pagdiriwang na ito.

KASAYSAYAN:
Nangangahulugang pagwawakas ng pag-aayuno, panahon din ang Eid upang palaganapin ang kasiyahan, pag-ibig, at pagwawagi na siyang nagbibigay-sigla sa mga pamilyang Muslim.

Unang ipinagdiwang ang Eid noong taong 624 ni Propeta Muhammad kasama ang kanyang mga kaibigan at mga kamag-anak matapos magwagi sa labanan sa Jang-e-Badar.

Ayon kay Anas (ra), kasa-kasama ni Propeta Muhammad noong panahong lumipat siya sa Medina, may dalawang kapistahan ang mga taga-Medina. May karnabal at pista sa isa sa mga araw na ito. Tinanong ni Muhammad ang mga tao tungkol dito. Sinabi nila na bago ang Islam, mayroon silang karnabal sa dalawang masasayang araw na iyon. Sinagot sila ni Muhammad na imbes na dalawang araw, nagtakda si Allah ng dalawa pang araw na mas masaya—ang Eid-al-Fitr at Eid-al-Adha.


Proclamation No. 1070, s. 2015
Signed on July 6, 2015

MALACAÑAN PALACE
MANILA

PROCLAMATION NO. 1070

DECLARING FRIDAY, 17 JULY 2015, AS A REGULAR HOLIDAY THROUGHOUT THE COUNTRY IN OBSERVANCE OF EID’L FITR (FEAST OF RAMADHAN)

WHEREAS, Republic Act No. 9177 declared Eid’l Fitr (Feast of Ramadhan) as a regular holiday throughout the country;

WHEREAS, Eid’l Fitr is celebrated by the Muslim world for three (3) days after the end of the month of fasting;

WHEREAS, the entire Filipino nation should have the full opportunity to join their Muslim brothers and sisters in peace and harmony in the observance and celebration of Eid’l Fitr, and

WHEREAS, in order to bring the religious and cultural significance of the Eid’l Fitr to the fore of national consciousness, it is necessary to declare Friday, 17 July 2015, as a regular holiday throughout the country.

NOW, THEREFORE, I, BENIGNO S. AQUINO III, President of the Philippines, by virtue of the powers vested in me by law, do hereby declare Friday, 17 July 2015, as a regular holiday throughout the country in observance of Eid’l Fitr (Feast of Ramadhan).

IN WITNESS WHEREOF, I have hereunto set my hand and caused the seal of the Republic of the Philippines to be affixed.

Done in the City of Manila, this 6th day of July, in the year of Our Lord, Two Thousand and Fifteen.


(Sgd.) BENIGNO S. AQUINO III
By authority of the President:

(Sgd.) PAQUITO N. OCHOA, JR.
Executive Secretary

SHARE ON SOCIAL MEDIA


TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments