Dahil sa hindi kinaya ang epekto ng sigalot sa loob ng pamunuan ng simbahan, isa pang ministro ng Iglesia ni Cristo o INC ang nagbitiw sa pwesto sa Estados Unidos.
Sa video na na-upload sa YouTube, si INC minister Louie Cayabyab ng Fremont, California, ay nagbitiw habang kaharap ang kanyang congregation kasabay ng ika-101 na anibersaryo ng INC, sa pagsasabing hindi nito matanggap ang pagtiwalag na ginawa ng simbahan sa pamilya Manalo.
Si Cayabyab ay minsan na ring nadistino sa Washington D.C., Temple Hills, Maryland Northern Virginia, Virginia, Baltimore, Maryland, Elizabeth, New Jersey, Central New Jersey, Staten Island, New York, Virginia Beach, Virginia, at Livermore, Northern California.