TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Mga paraan upang makaligtas sa lindol.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Wednesday, July 29, 2015

Kasado na ang earthquake drill na gaganapin bukas sa buong Metro Manila, Hulyo 30 bilang paghahanda sa banta ng pagtama ng malakas na lindol sa Kamaynilaan.

Ang daytime drill na gaganapin sa buong Kamaynilaan simula alas-10:30 ng umaga hanggang alas-11:30 ng umaga.

Lalahukan ito ng lahat ng paaralan, opisina at mga tanggapan ng pamahalaan sa Kamaynilaan.

Pagsapit naman ng gabi, gaganapin sa Pasig Central Business District ang isa pang earthquake drill simula alas-7:30 hanggang alas-8:30.

Sa parehong drill, magkakaroon ng sychronized exercises sa unang limang minuto ng simulation.


Mga paraan upang makaligtas sa lindol

 Ang paghahanda sa lindol:
– Magkaroon ng pagpaplano para sa lindol.
– Kumunsulta sa eksperto kung paano magiging mas matibay ang pundasyon ng inyong tahanan.
– Magtalaga ng isang lugar sa bawat kwarto na maaaring puntahan kapag lumindol. Ito ang mga lugar kung saan walang anomang maaaring mahulog sayo.
– Mag-impok ng mga de latang pagkain, paunang lunas (first aid kit), tatlong galon ng tubig kada tao, dust masks at goggles, at de bateryang radyo at flashlights.
– Alamin kung paano patayin ang inyong tangke at metro ng tubig.

Tips kung limilindol na:
– Sumilong sa ilalim ng lamesa at kumapit.
– Manatili sa loob ng tahanan hanggang sa matapos ang pagyanig at ligtas na lumabas.
– Umiwas sa mga bintana. Sa mga nagtatayugang gusali, asahan na ang fire alarm at sprinklers (lagadera) ay maaaring di gumana sa panahon ng lindol.
– Kung ikaw ay nasa iyong higaan, kumapit at manatili lamang, takluban ng unan ang ulo upang maprotektahan ito sa mga matitigas na bagay na maaaring bumagsak.
– Kung nagkataong ikaw ay nasa labas, humanap ng lugar na walang mga gusali, puno at poste.
– Kapag nasa loob ng sasakyan, bagalan ang takbo at pumunta sa bakanteng lugar. Manatili sa sasakyan hanggang tumigil ang pagyanig.

Mahalagang maging handa sa mga sakuna tulad ng lindol, upang manatiling ligtas tayo at ang ating pamilya.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments