Dahil sa sunod-sunod na balita ng pagkakalason sa mga pagkain, pinaalalahanan ng Department of Health ang publiko kung paano makakaiwas sa panganib ng food poisoning.
Ayon sa ahensya, dapat iwasan at agad nang itapon ang mag pagkaing lampas na sa expiration date. Huwag ding basta-basta kainin ang mga pagkaing walang kumpletong nakalagay impormasyon o label. Huwag ding basta-basta bibili ng mga produktong “Buy 1, Take 1″ sapagkat ang mga ito raw ay kadalsang malapit na o lampas na din sa expiration date.
Kinakailangang mag-ingat sa lahat ng pagkaing kakainin, at bumili lamang mga sa tindahan na siguradong ligtas at bago ang tinitinda. Iwasang bilihin ang ma produktong nayupi o mukha nang luma sapagkat maaaring ito ay kontaminado na. Kahalagahan ding tingnan ang expiration date ng lahat ng mga produkot. Dapat ding iwasan ang mga produktong walang label o kaya ay ni-repack lamang.
Dapat ay agad na isugod sa pagamutan ang biktima ng food poisoning sa simula pa lamang ng pagkakaranas ng mga sintomas. Mahalaga din na madala sa ospital upang mapag-aralan ang pagkain na pinagsususpetsahang dahilan ng pagkakalason.
Maraming uri ng food poisoning depende ito sa pagkain na kinain na dahilan ng pagkalason. Pinakakaraniwan dito ay ang bacterial food poisoning. Ito ay kadalasang sanhi ng bacteria na taglay ng pagkaing kinonsumo gaya ng salmonella. Ang salmonella ay isa sa mga common na dahilan ng pagkalason. Matatagpuan ang salmonella sa farm products gaya ng itlog at manok. Ang toxic naman gaya ng botulism ay maaaring sanhi ng bacteria sa ilang uri ng pagkain gaya ng honey at isda.
Maraming pagkain na may taglay na components na maaring nakalalason kapag hindi nalutong mabuti o kaya naman ay hindi na-prefare ng maayos, kagaya ng crab at ilang uri ng isda.
Kapag pinaghihinalaang na-food poisoning ang isang kasamahan sa bahay o pasyente ay alamin agad kung ano ang kinain nito sa loob ng 48 hours.
Hindi naman kasi agad-agad na lumalabas ang pagkalason maaaring tumagal ito ng ilang oras bago umepekto. Ngunit kung dahilan nito ay toxic mas mabilis itong umepekto kaysa sa bacteria.

Maging alerto din kung ang food poisoning ay kumbinasyon ng mga sumusunod:
- Strange-tasting food o pagkain na naiwan sa mainit na lugar.
- Kung sa isang lugar ay may kasamahang nakikitaan din ng sintomas ng food poisoning.
- Hilaw o hindi gaano nalutong mabuti ang pagkain o di kaya naman ay yung mga pagkain na iniinit.
Mga sintomas ng food poisoning ay:
- Pagkahilo at pagsusuka.
- Stomach cramps o pagkapulikat ng tiyan.
- Pagtatae.
- Lagnat
- Pagkaramdam ng sakit
- Senyales ng pagka-shock
Ang mga sintomas naman ng toxic poisoning ay:
- Dizziness
- Utal-utal na pagsasalita
- Hirap sa paghinga at paglunok
Habang wala pang doctor o wala pa sa pagamutan ay gawin ang mga sumusunod:
- I-monitor ang paghinga ng pasyente.
- lagay siya sa mataas at komportableng posisyon.
- Bigyan ng maraming fluids lalo na kung nagsusuka at nagtatae upang maiwasan ang dehydration.
- Alalayan ito kapag nagsusuka dahil maaaring mabuwal. Hangga’t maari ay maghanda ng bowl at pamunas.