TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Pamilya ng mga biktima ng Maguindanao Massacre, dismayado sa pagkamatay ni Andal.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Saturday, July 18, 2015

Dismayado ang iba pang pamilya ng mga biktima ng Maguindanao Massacre dahil sa pagkamatay ni dating Maguindanao Governor at isa sa pangunahing suspect at mastermind na si Andal Ampatuan Sr.


Pinawi ng Malacanang ang pangambang maaapektuhan ang Maguindanao Massacre Case sa pagpanaw ni Andal Ampatuan Sr..

Ayon sa Malacanang, magpapatuloy naman ang pagdinig sa kaso ng mga kapwa akusado gaya nina dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan at dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. Hiwalay naman ang kaso ni Andal Sr. kaya hindi ito makakapagpahina sa kabuuang Massacre Case.

Sa ngayon, tanging magagawa daw ng Ehekutibo sa pamamagitan ng Department of Justice o DoJ ay walang delay sa proceedings at proteksyon sa mga testigo ng krimen. Ang hatol naman daw ay nakasalalay sa judge na may hawak ng kaso.

Si Andal ang itinuturing bilang mastermind sa naganap na Massacre noong Nobyembre 23,taong 2009 na ikinamatay ng 58 katao kasama na ang pagkadamay ng 32 Media Practitioners.

Matatandaan rito, pumanaw ang kinikilalang mastermind sa Maguindanao Massacre habang naka-confine sa National Kidney and Transplant Institute o NKTI sa Quezon City.

Binawian ng buhay ang dating gobernador bandang alas-10:02 ng gabi, Hunyo 17.

Nabatid na noong Lunes pa dinala sa pagamutan si Ampatuan matapos atakehin sa puso hanggang sa ito ay ma-comatose.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments