Dalawang mag-aaral mula sa Polytechnic University of the Philippines o PUP ang nagwagi sa 'Go Green in the City' competition na ginanap sa Paris, France.
Sa kabuuang 12 finalists mula sa iba't ibang bahagi ng mundo, nagtapos sa ikatlong pwesto sina Christian G. Sta. Romana at John Paul G. Santos dahil sa kanilang inbensyon na Electrifilter.
Ang Electrifilter o Electricity Generation from Filthy Water ay may kakayahang gumawa ng kuryente mula sa waste water. Kaya nitong magpailaw ng lamp post, magpagana ng energy stations at security systems.
May kakayahan din itong salain at linisin ang tubig na maaaring gamitin sa panahon ng pagbaha at bagyo.