TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Planetang Pluto, nasilayan na ng malinaw.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Thursday, July 16, 2015

Sa kauna-unahang pagkakataon, nasilayan na ng mas malinaw ang pinakamalayong planeta sa ating "solar system," ang planetang Pluto. Inabot ng siyam na taon ang biyahe ng Space Craft na "New Horizons" upang makuha ang nasabing larawan.


Matapos makalapit sa Pluto ang "New Horizons" o Space Craft na nakapag-transmit na ng kauna-unahang malinaw na larawan ng dwarf planet.

Ang New Horizons ay inilunsad ng National Aeronautics and Space Administration o NASA taong 2006 at nakarating lamang ito malapit sa Pluto noong isang araw.

Kabilang din sa mission ang pagkuha ng larawan at iba pang impormasyon sa limang buwan ng Pluto.

Tinatayang nasa 7,750 miles ang layo ng space craft sa Pluto.

Ayon kay John Holdren, President for Science and Technology at director ng White House Office of Science and Technology Policy isa na naman itong accomplishment ng NASA maliban pa sa ibang space missions gaya ng pag-orbit at pag-explore ng mga space craft ng NASA sa planetang Mars.

Matapos makumpleto ang flyby sa Pluto patuloy ang misyon ng New Horizon sa Kuiper Belt na sumasakop sa dwarf planet.

Ang Pluto ay dating isa sa siyam na planeta ng Solar System pero noong 2006 ay pormal itong idineklara ng mga eksperto na isang dwarf planet lamang. May layo itong three billion miles sa ating planeta.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments