TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Sino nga ba si Mar Roxas?

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Friday, July 31, 2015

Sa pormal na pag-indorso ni Pangulong Aquino kay Interior Sec. Mar Roxas sa Club Filipino, tinukoy nito na walang ibang makapagpapatuloy ng kaniyang nasimulan kundi ang standard bearer ng Liberal Party o LP.

Emosyunal na nangako si Roxas na itutuloy niya ang nasimulang "Daang Matuwid Advocacy" ni Pangulong Benigno Aquino III.

Pagtitiyak ng kalihim, hindi niya dudumihan ang pangalan ng mga lider na nagsulong ng maayos na pamumuno, kasama na sina dating pangulong Cory Aquino at dating Sen. Ninoy Aquino, pati na ang kasalukuyang pinuno ng bansa na si Pangulong Aquino.

Sino nga ba si Mar Roxas?



Si Roxas ay mula sa angkan ng naging Pangulo ng bansa. Siya ay apo ni Pangulong Manuel A. Roxas, isa sa mga nagtatag ng Liberal Party noong 1945. Nagtapos siya ng kursong economics noong 1979 sa Wharton School, ang kauna-unahan at prestihiyosong business school ng University of Pennsylvania, USA.

Bago pumasok sa gobyerno, si Mar ay investment banker at Assistant Vice President ng kilalang boutique firm at isa sa mga humawak sa pagtatala ng fast food giant na Jollibee sa Stock Exchange sa Amerika.

Boluntaryong nagbakasyon si Mar sa trabaho para sumama sa kampanya ni Pangulong Cory Aquino noong 1986 snap election.

Nagsimulang maglingkod sa gobyerno si Mar matapos manalo sa special congressional election para pumalit sa kanyang kapatid na si Dinggoy na namatay sa serbisyo bilang kinatawan ng unang distrito ng Capiz.

Humawak siya ng tatlong posisyon sa Gabinete sa ilalim ng tatlong administrasyon-- bilang kalihim ng Department Trade and Industry o DTI sa ilalim nina Pangulong Joseph Estrada at Gloria Macapagal Arroyo, at kalihihim ng Transportation and Communication at Interior and Local Government sa ilalim ni Pangulong Aquino.

Bilang DTI Secretary, binansagan si Mar Roxas bilang "Mr. Palengke." Inilunsad niya ang "Make it Philippines" na nagpaunlad ng Business Process Outsourcing o BPO industry sa Pilipinas, partikular ang operasyon ng call center na nagbigay ng milyong trabaho sa mga Pilipino.

Nahalal na topnotcher na senador si Mar Roxas noong 2004 election at pangatlo sa umani ng pinakamalaking botong 19,372,888 sa kasaysayan ng mga halalan sa bansa.

Nakaisang-dibdib ni Mar ang news anchor na si Korina Sanchez. Mayroon siyang anak na si Paolo Gerardo sa unang karelasyon.

Ang networth ni Mar Roxas hanggang noong December 31, 2014 ay P202,080,452.71, pang-apat sa pinakamayamang miyembro ng gabinete ng administrasyong Aquino.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments