TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

TARGET:Ika-1 na labas

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Friday, July 24, 2015

"Ang Mayor"
written by Jondel Lijares

Araw ng Lunes nang umagang iyon, pagpasok ni Mayor Benedicto sa kanyang opisina, isang kahon ng regalo ang kanyang dinatnan sa ibabaw ng kanyang mesa.

Katamtaman ang laki ng nasabing kahon. Kombinasyon ng puti at pilak ang kulay ng wrapper nito. Kumpleto sa borloloy, gaya ng ribbon at tarheta. At kung pagmamasdan, talagang napaka-espesyal ang laman ng regalo.

Napaisip tuloy ang matanda. Bakit siya bibigyan ng regalo nang araw na iyon sapangkat wala namang espesyal na okasyon. Sa October pa ang kanyang kaarawan, at sa December pa ang wedding anniversary nila ng kanyang asawa.

Dinampot ng matanda ang kahon ng regalong iyon. Binasa niya ang nakasulat sa tarheta. Pero, bigla siyang pinanlakihan ng mga mata nang basahin niya ang mga letra sa tarheta.

"MALIGAYANG PAGLALAKBAY SA EMPERNO, MAYOR BENEDICTO". Ito ang nakasulat sa tarheta.

Nagulat ang matanda. Walang nakalagay kung sino ang nagpadala. Pero may narinig siyang mahinang TIK-TAK mula sa loob ng kahon. Kaagad nasakyan ni Mayor Benedicto kung ano ang laman ng kahon.

Bomba!

Isang malakas na pagsabog ang umaalingawngaw at yumanig sa buong gusali ng City Hall.

Nakagulo kaagad ang mga tao sa labas. Sa pagkabigla ay nataranta ang lahat, ang iba ay nag-panic at ang iba naman ay natakot.

Mula sa ikalawang palapag ng City Hall ay natanaw ang maitim na usok.

Maraming sugatan at nasawi sa nasabing pagsabog.

Ilang minutong lumipas, kasabay dumating ang mga fire truck at ambulansya. Eksaktong dumarating din ang mga kapulisan, isa na dito si P/Inspt. Victor Reyes na palundag itong bumaba sa kanyang sinasakyang dyep. Pagkatapos, hangos na sa loob ng City Hall.

Si Mayor Benedicto kaagad ang unang pumasok sa isipan ni Victor. Takbo na ito paakyat sa hagdan.

Wasak ang ilang bahagi ng ikalawang palapag ng gusali kung saan nandoon ang opisina ni Mayor Benedicto.

Nakabulagta sa dakong unahan si Mayor nang datnan ni Victor. Sugatan ang matanda. Duguan, at tadtad ng tama ng shrapnels ang buong katawan nito.

Kaagad pinulsuhan ni Victor ang Mayor. Buhay pa ang matanda. Humihinga pa. Pero, mahinang- mahina na ang tibok ng puso nito. Halos ayaw nang pumitik ang maliliit na pulsu-pulsuhan.

"Ihanda ang ambulansya!" ang utos ni Victor sa ilan niyang kasamahan.

At mabilis na ngang isinugod sa pagamutan si Mayor benedicto.

itutuloy...

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments