TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

TARGET:Ika-2 na labas

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Monday, July 27, 2015

"Ang Suspek"
written by Jondel Lijares

Kaagad naman nag-conduct ng preliminary investigation si P/Inspt. Victor Reyes sa nangyaring karahasan.

Headline sa iba't-ibang pahayagan ang insidentieng sinapit ni Mayor Benedicto, ang alkalde ng lungsod ng La Carlota. Halos oras-oras, parang tsismis na ikinakalat ng iba't-ibang istasyon ng radyo at telebisyon ang nasabing balita.

Ayon sa ulat ni Eric Magbanua ng Aksyon Radyo, kritikal ang kalagayan ngayon ng Mayor sa ICU dahil sa mga tanamo ng mahigit dalawampung tama ng sharpnels sa iba't-ibang bahagi ng katawan nito at kasalukuyang ngayong inu-obserbahan ng mga duktor sa Doctors Hospital.

Sa footage naman ng TV Patrol Negros, sa ulat ni Romeo Subaldo, sa scene, ipinakita ang kalagayan ni Mayor Benedicto sa pagamutan. Balut na balot ng benda ang matanda. Kung anu-anong modern medical instrument ang nakasabit sa buong katawan nito. At ayon sa isang duktor, and with in forty-eight hours at kung hindi pa daw nagbago ang kondisyon ni Mayor... isa lang daw ang kanyang babagsakan. Coma!

Napasama sa asawa at sa tatlong anak na babae ni Mayor Benedicto ang sinabi ng duktor. Iyak lang ang mga ito ng iyak habang awang-awang pinagmamasdan sa salaming dingding ng ICU ang pasyente.

Samantala, sa preliminary investigation, lumitaw na dakong alas otso kuwarentay- singko ng umaga, isang hindi kilalang nakasombrerong babae ang namataan ng CCTV na nakatoka sa ikalawang palapag ng City Hall. Di umano ay talagang kahina-hinala ang mga ikinikilos ng nasabing babae habang bitbit nito ang kahon ng regalo, na hinalang bomba ang laman.

Pumasok ang babae sa opisina ni Mayor Benedicto, at ilang saglit ay lumabas din ito, at pasimpleng palakad patungo sa hagdan.

Ensaktong alas noybe din ng umagang iyon, pumasok si Mayor Benedicto sa kanyang opisina, at ilang minutong lumipas, isang pagsabog na ang naganap, kasunod niyon ay ang biglang paglabo ng scene na kuha ng CCTV, na pinapanood ng mga kapulisan.

"Walang duda, talagang target niya si Mayor!" ang sabi ni P/Inspt. Victor Reyes sa kanyang mga kasama.

Sa pamamagitan ng mother computer, isa-isa tiningnan ni Victor ang litrato ng mga most wanted criminals sa negros at nagbasakaling makikita niya ang babaeng nasa CCTV. Pero, nabigo siya na makilala iyon, wala sa mga litratong nasa computer.

Malaking problema sa isip ni Victor ang babaeng iyon. Tiyak na baguhan pa lang ang nasabing bomber, at isang babae pa, kaya wala pang record. Gayunman, may kutob si Victor na ito ay isang professional killer. Isang bomb specialist. Base kasi sa nakuha nilang mga fragments, ang bombang ginamit ay isang uri ng online  explosive bomb devise, na ginagamitan ng mobile phone.

itutuloy...

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments