30,000 trabaho ang alok sa bansang New Zealand para sa mga pinoy.

Kasunod ito ng patuloy na rehabilitasyon sa nasabing bansa kasunod ng pagtama ng malakas na lindol sa Christchurch noong 2011.
Ayon kay Jun Macas, pangulo ng Australia and New Zealand Association of Employment Providers of the Philippines, maaaring makinabang dito ang mga Pinoy skilled worker lalo't kaugnay sa trabahong konstruksyon ang iniaalok ng New Zealand.
Narito ang mga trabaho:
- carpenters
- glass installer
- heavy equipment mechanics
- excavator operators
- scaffolders
- rebar installers
- plasterers
- bricklayers
- blocklayers
- masons
- electricians
- welders
- fabricators
Bagama't ang ilang job position ay nangangailangan ng TESDA certificate tulad ng scaffolders.
Tips para sa maayos na paghahanap ng trabahong mapapasukan sa New Zealand:
- Dapat pumili ng recruitment agency na lisensyado ng Philippine Overseas Employment Agency o POEA.
- Dapat tiyakin kung ang ahensyang pupuntahan ay may job order para sa New Zealand.
Malalaman sa website ng POEA ang lahat ng ahensyang may job order mula sa New Zealand.
Paalala:
Walang placement fee sa New Zealand dahil may batas sila na bawal magkaroon ng kapalit na bayad ang trabaho dito.
Sahod at oportunidad:
May minimum wage doon na NZ $80 kada oras o katumbas ng P550 kada oras.
Hindi rin malayo ang posibilidad na maging residente ng New Zealand.