
Hindi nakaligtas sa version ng State Of the Nation Address ni Vice President Jejomar Binay maging ang mga posibleng makalaban nito sa politika sa 2016 presidential elections.
Bagama't hindi direktang pinangalanan, binanggit nito ang aniya ay kulang sa karanasan, habang may pasaring din siya sa isang may karanasan ngunit palpak.
Inulit din nito ang mga batikos sa pamahalaan na dati na niyang binabanggit mula ng kumalas bilang miyembro ng gabinete.
Inungkat din ang mga isyu ng kabiguan daw ng gobyerno sa Yolanda Rehab Efforts, kakulangan ng aksyon sa problemang pang kapayapaan sa Mindanao, patung-patong na aberya sa MRT, isyu ng Luneta Hostage Crisis, Zamboanga Siege at Mamasapano Incident.
video from ANC