Ano ba ang Dengue?:
Ang Dengue ay isang malubhang sakit na nakukuha sa kagat ng lamok na Aedes aegypti. Ang taong naimpeksyon nito ay nagkakaroon ng mataas na lagnat na tumatagal nang dalawa hanggang pitong araw na kapag hindi naagapan ay maaring ikamatay. Mga bata ang kadalasang biktima ng Dengue. Ang paggamit ng gamot na may acetylsalicylic acid tulad ng aspirin at mga non steroidal anti-inflammatory drugs tulad ng Ibuprofen ay hindi inirerekomendang inumin ng mga taong may Dengue.

Mga Sintomas:
- Mataas na lagnat na tumatagal ng dalawa hanggang pitong araw
- Pagkahilo at pagduduwal ng kulay kapeng suka
- Pananakit ng kalamnan, kasu-kasuan at likod na parte ng mata
- Panghihina
- Pagkakaroon ng maliliit at pulang pantal sa balat na tinatawag na petechiae
- Balinguyngoy kasabay ng pagbaba ng lagnat
- Maitim na dumi
Ang Sanhi:
Ang kagat ng lamok na Aedes aegypti ang pangunahing sanhi ng Dengue. Ito'y nangangagat lamang tuwing umaga. Nangingitlog ang lamok na ito sa mga lugar na kung saan ay may tubig na hindi dumadaloy tulad ng mga plorera, lata, dram, timba, lumang gulong at iba pa.
Narito ang mga payo upang gumaling ng maayos ang pasyente:
- Kumpletong pahinga.
- Alisin na ang mga bagay na nakaka-stress sa pasyente, at mga nakakapagod na aktibidades na pisikal. Sa halip, hayaan syang makapahinga sa kama ng walang iniisip.
- Kung ang may sakit ay isang estudyante, mag-absent na lang muna sa klase.
- Uminom ng maraming tubig, juice, soup, atbp. Ang pagpapanatiling sapat ang tubig sa loob ng katawan ay isang mahalagang haligi ng gamutan ng dengue.
- Magpatingin kaagad sa doktor kung may mataas na lagnat na may kasamang mga sintomas na ating nabanggit sa naunang artikulo. Ang pasyente ay maaaring ma-ospital kung kinakailangang tiyakin ang sapat ng tubig sa katawan sa pamamagitan ng swero o IV fluid hydration, at para ma-monitor kung meron o magkakaron ng mga palantaan ng pagdudugo sa katawan, at masalinan kaagad ng dugo kung nararapat.
- Iwasan ang pag-inom ng aspirin o ibuprofen kung ikaw ay may dengue fever, o may mataas na lagnat na hinihinalang dengue, sapagkat ang pag-inom nito ay nakakataas na posibilidad na magkaron ng komplikasyong pagdurugo sa katawan ang dengue. Sa halip, uminom na lamang ng Paracetamol na siyang ligtas na pampababa ng lagnat at sakit ng ulo sa mga may dengue.
- Huwag basta maniwala sa kung anu-anong gamot na inaalok na para daw sa dengue. Dahil uso ang dengue, maraming mga taong nanganako ng gamot para dito. Kasama na dito ang mga herbal na gamot gaya ng tawa-tawa. Bagamat maaaring may pag-asang makatulong ang mga ito, sapagkat ang dengue ay isang kritikal na karamdaman, mabuti na ang sigurado.