
Latest
- "Nuisance Candidates", usap-usapan sa social site.
- Pastillas Girl, tila ibinubugaw na. - Gabriela.
- Nakakatulong nga ba o nakakasama ang teknolohiya?
- Bicolano Student, ipinagmamalaki dahil sa ginawang computer game.
- Orihinal na tahanan ni Mabini, dinagsa ng mga kabataan.
- Police Officer, tinulungan ang palaboy.
- Sino nga ba si Apolinario Mabini?
- Apolinario Mabini, di kilala ng mga estudyante?
- May tubig sa planetang Mars – NASA
- Masskara Love Dance 2015: THE FREEDOM & MADNESS Trailer
Advertisement
Ano ba ang depresyon?
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Saturday, August 1, 2015
6:23 PM
Karaniwang nauuwi sa tangka ng pagpapakamatay ang matinding depresyon.
ANG depresyon ay nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi pati na rin sa mga taong nasa paligid nito. Hindi madali ang pagtulong sa mga depressed na tao pero maaaring ito ang maging susi para sila ay makarekober.
Huwag iwang mag-isa ang mahal sa buhay kung ito ay nagpapahiwatig ng pagpapakamatay. Pigilan ang suicide sa pamamagitan ng paglayo ng mga weapons at gamot. Huwag mag-atubiling tumawag sa emergency hotlines.
Ang ‘depression’ ay kakambal ng ‘anxiety’ at vice versa. Magkaugnay ang dalawang bagay na ito. Mahigit sa kalahati ng mga taong may depression ay mayroon ding anxiety. Lubhang mahirap ma-diagnose at mahirap bigyan ng lunas ang dalawa.
Ang depression ay sanhi ng pagkakaisip at nakararamdam na walang gana o discouraged, helpless at hopeless ang isang tao. Ang anxiety naman ay nagdudulot ng pagkairita ng tao dulot ng mabilis na tibok ng puso, pagsikip ng dibdib at hirap sa paghinga.
Ang mga taong may parehong depression at anxiety ay malimit magkaroon ng mas malubhang sintomas, mas nababagabag sa araw-araw, mas mahirap na paghahanap ng tamang lunas at mas mataas na posibilidad ng pagpapakamatay.

Mga sintomas ng depresyon?:
- blank stares o pagiging tulala
- biglaang umiiyak
- hindi makatulog
- hindi makakain
- nanghihina
- hindi na nag-aayos ng sarili
- irritable
- wala nang motivation
Mga lunas sa depresyon?:
Bigyang pansin ang pag-inom ng nararapat na gamot
Makatutulong din ang anti-depressants para gamutin ang anxiety. Maaari ring mangailangan ng ibang gamot. Kumonsulta sa doktor para sa wastong medikasyon at upang malaman ang akmang gamot.
Bigyang pansin ang theraphy
Ang cognitive behavioral therapy ang siyang napatunayang pinakamabisa para sa depression at anxiety kaysa alin mang uri ng theraphy. Nakatutulong ito sa pagpapabago ng pag-iisip at gawi at nakakabawas din sa distress ng tao.
Sikaping magkaroon ng pagbabago sa life para style
Maraming maaaring isagawang ehersisyo tulad ng breathing exercise, muscle relaxation at yoga.
Bigyang pansin din ang pagkain ng wasto, tamang oras ng tulog. Higit sa lahat, mag-isip ng paraan kung paano mapapabuti ang habits sa araw-araw. Isangguni ito sa iyong theraphist kung kinakailangan.
TambayanNiJondelPH.blogspot.com