Marami din palang sakit sa mata ang hindi natin alam. Malalaman na lamang natin kapag nakararanas na tayo ng mga sintomas nito. Isang ‘di pangkaraniwang sakit sa mata ang glaucoma.
Ano ang Glaucoma?:
Ang glaucoma ay isang kundisyon na nagdudulot ng pagkasira sa optic nerves ng iyong mga mata. Ito ay madalas na naiuugnay sa pagtaas ng presyon o intraocular pressure sa loob ng mata. Kapag tumaas ang presyon, nasisira nito ang mga optic nerves. Ang mga optic nerves ang nagpapadala ng mga imahe sa ating utak. Kapag nagpatuloy ang pagtaas ng presyon sa loob ng mata at hindi maaagapan, ito ay maaaring magresulta sa pagkabulag.
Dalawang uri ng Glaucoma:
- Ang open-angle glaucoma o tinatawag din na wide-angle glaucoma, ang pinakamadalas na klase ng glaucoma. Dito ang struktura ng mata ay maaaring mukhang normal, ngunit hindi maayos ang pagdaloy ng likido papunta sa drain ng mata.
- Ang angle-closure glaucoma naman, o ang tinatawag din na acute o chronic angle-closure o narrow-angle glaucoma, ay hindi karaniwan. Ngunit ito ay maaaring magdulot ng biglang pagkaipon ng presyon sa mata at hindi rin gaano kaayos ang drainage dito dahil masyado makitid ang daanan ng likido.
Karaniwang apektado:
Ang glaucoma ang pangunahing sanhi ng pagkabulag sa buong mundo. Gayunpaman, higit sa kalahati ng mga taong mayroon nito ay walang kaalam-alam na sila ay may sakit dahil hindi agad napapansin ang sintomas at ang mga kasunod na pagkawala ng side vision o peripheral vision.
Ang pagdiskubre at pagpigil nito ay posible lamang matapos masuri ang mga mata. Gayunman, ang ilang mga uri ng glaucoma ay may mga karagdagang sintomas na maaaring maramdaman.
Habang ang lahat ng tao ay pwedeng magkaroon ng glaucoma, may ilang nasa mas mataas na panganib at kailangang magpasuri ng mas madalas sa doktor sa mata. Sila ay ang mga sumusunod:
- Edad na higit sa 45 taon
- May kasaysayan ng glaucoma sa pamilya
- May lahing Asyano o Aprikano
- May diabetes
- Nagkaroon na ng mataas na intraocular pressure
- Nagkaroon na ng pinasala sa mata
- May nearsightedness (myopia)
- May farsightedness (hyperopia)
- Gumagamit ng cortisone (steroid), sa mata man o systemically (iniinom o iniineksyon)
- Naninigarilyo
- May sleep apnea
Mga solusyon:
- Kapag edad 40 na ay lumalabo ang paningin. Ang tawag dito ay presbyopia, kung saan humihina ang pag-focus ng ating mata sa malalapit na bagay. Normal lang ito at kumonsulta sa isang liscence Optometrist para magpasukat ng salamin.
- Nanunuyong mata sa edad 60 pataas o dry eyes. Pangkaraniwang sakit ito ng may edad dahil nababawasan ang paggawa nila ng luha. Ang solusyon dito ay ang madalas na pagpatak ng artificial tears.
- Cataract o katarata. Bilang halimbawa, kapag malabo ang salamin ng kotse ay mahihirapan kang magmaneho. Ganito rin ang nangyayari sa katarata kung saan lumalabo ang lente ng mata. Ang sanhi ng katarata ay ang matinding araw, pag-edad, diabetes at paninigarilyo. Hanggang ngayon ay wala pang pangpatak para malunasan ang katarata. Ang solusyon sa katarata ay isang simpleng operasyon na ginagawa ng mga eye specialists. Magpa-check sa doktor sa mata.
- May laman na tumutubo sa harap ng mata. Ang tawag dito ay pterygium, at dulot ito ng pagkairita ng mata sa usok, alikabok at dumi. Para hindi lumaki ang pterygium, umiwas sa mauusok na sasakyan at huwag nang ganoong lumabas sa kalye. Hindi delikado ang pterygium. Ngunit kapag natakpan na nito ang iyong paningin, kailangan itong operahan at alisin ng doktor.
- Sore eyes. Ang sintomas ng sore eyes ay ang pamumula ng dalawang mata, makati ito at parang may buhangin sa mata. Ito ay impeksyon sa mata na nahawa mula sa ibang tao. Mabilis kumalat ang sore eyes. Huwag makipagkamay o gumamit ng kagamitan ng taong may sore eyes. Para magamot ang sore eyes, patakan ng anti-bacterial eyedrops 3 beses sa maghapon. Puwedeng linisin ang mata ng salt solution.
- Eye floaters o iyung may lumulutang na bagay-bagay sa paningin. Puwede kang matakot kapag una mo itong makita. Minsan ay hugis bilog o pahaba ang iyong matatanaw. Ang mga lumulutang na bagay ay nasa loob pala ng iyong mata. Dulot ito ng pag-edad o pagkakaroon ng dating pinsala (nabangga ang mata). Hindi naman delikado ang floaters. Tandaan lang na kapag biglang dumami ang nakikita mong floaters, magpatingin na sa isang eye specialist.
- Glaucoma, nababarahan ang pagdaloy ng likido sa loob ng ating mata. Dahil dito, tumataas ang presyon sa loob ng mata. Puwede itong magdulot ng pananakit ng ulo at pagkabulag. Ginagamot ang glaucoma sa pamamagitan ng eye drops o laser surgery. Seryosong sakit ang glaucoma at kailangan magpatingin agad sa eye specialist.
Tandaan: Ang mata natin ay konektado sa buong katawan. Dahil dito, kailangang umiwas sa bisyo at kumain ng masustansya. Gamutin ang altapresyon at diabetes. Ito ang solusyon para hindi magkasakit ang iyong mata.