Nakita kagabi sa bansa ang sinasabing "Blue Moon" bandang alas-6:43 ng gabi.

Kapag nagkaroon ng blue moon ay hindi ibig sabihin na literal na magiging asul ang kulay ng buwan kundi magkakaroon lamang ng dalawang full moon sa isang calendar month na bihirang mangyari.
Sa katunayan ay nagaganap ang blue moon sa loob ng dalawa at kalahating taon kayat makikita ulit ang nasabing phenomenon sa Enero 2018.
Unang nagkaroon ng full moon noong July 2.
Bagamat walang pagkakaiba ang blue moon sa mga karaniwang full moon.
Napag-alamang hindi lamang ang ating planeta ang nakakaranas ng literal na "blue" moon dahil nakunan ng National Aeronautics and Space Administration o NASA space rover ang blue sunset noong Abril 15 sa planetang Mars.