Usap-usapan ngayon ang naging pahayag ng Department of Education sa posibilidad na paggamit ng "beki" o gay language bilang official medium of instruction sa pagtuturo.

Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, ang paggamit ng mga bagong nabubuong kolokyal na kagaya ng "beki" ay kasama na sa pagbabago at hindi na ito mapipigilan.
Aniya, sa ngayong ay katanggap-tanggap na sa lipunan ang nasabing salita, ginagamit na ng karamihan at posibleng maging bahagi ito ng official communication.
Ginawa ni Luistro ang pahayag kasabay ng selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto.