Brutal na pinatay ang sinapit ng 85-anyos na lola mula sa kamay ng sariling apo sa lungsod ng Kabankalan dito sa lalawigan ng Negros Occidental.
Ang biktima ay kinilalang si Olivia Jalaman 85-anyos, residente ng Purok Kabukiran, Brgy. Tapi, Kabankalan City, samantalang ang suspek na apo ay kinilalang si Robin Jalaman, 19-anyos.

photo from BomboRadyo Bacolod
Nadiskubre ang krimen dakong alas-5:00 kahapon ng madaling-araw matapos pumunta sa bahay ng maglola ang isa nilang kapitbahay at doon bumulagta sa kanya ang bangkay ng matanda.
Sa pagresponde naman ng kapulisan ay kanilang nakita ang biktima na may sugat sa kaliwang didbdib at wala na ang puso nito.
Samantala, nasa loob din ng bahay ang salarin at batay sa pag-usisa ng kapulisan ay inamin nito na siya ang pumaslang sa kaniyang lola, kinuha ang puso gamit ang kutsilyo at saka kinain.
Naniniwala naman ang pulisya na kinain niya ito dahil wala kahit maliit na bahagi ng puso na natira sa loob ng bahay.
Sa exclusive interview sang Bombo Radyo Bacolod sa suspek na si Robin Jalaman, 19-anyos, dakong alas-2:00 kahapon ng madaling araw nang may boses umanong bumulong sa kaniya na nagsasabing kung kakain ito ng tao ay magkakaroon daw siya ng kapangyarihan.
Ibinulong din umano sa kaniya na ang lahat ng tao ay aswang.
Matapos marining ang bumubulong daw na diyablo, agad nitong sinaksak sa dibdib ng dalawang beses ang natutulog niya lola na si Olivia, 85-anyos, bago kinuha ang puso nito at saka kinain.
Ayon sa suspek, manamis-namis at malinamnam ang puso ng kaniyang lola subalit medyo malansa.
Sa kabilang daku, pinagsisihan naman nito ang nagawang pagpatay sa kaniyang lola na siyang nagpalaki at nag-alaga sa kaniya.
Napagtanto na rin daw niya na hindi naman totoo ang ibinulong ng diyablo na magkakaroon siya ng kapangyarihan.
Sa ngayon nasa custody na ng pulisya ang suspek at isasailalim sa pagsusuri ang kondisyon upang malaman kung ano ang nagtulak dito na gawin ang karumaldumal na pagpatay sa kaniyang lola.