TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Mahigit sa 100 katao ang nalason sa Iloilo dahil sa hinandang pagkain sa kasal.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Monday, August 10, 2015

Umabot sa 101 ang kabuuang bilang ng mga biktima ng pinaniniwalaang food poisoning sa bayan ng Estancia, Iloilo ang isinugod sa ospital matapos umanong kumain sa isang kasalan, kung saan 67 ang nakalabas na ng ospital matapos mabigyan ng gamot.


Apat naman ang nananatili sa ospital, habang 30 pa ang ginamot na lamang sa health center ng Barangay Gogo sa bayan ng Estancia.

Hindi naman matanggap ng ikinasal na si Jane at asawang Briton na ang kanilang okasyon pa ang naging dahilan ng pagkaka-ospital ng kanilang mga kabarangay.

Tumanggi na si Jane na magbigay ng pahayag, subalit iginiit niya na malinis ang kanilang handang pagkain.

Ayon sa kusinerong nagluto para sa handaan sa kasal, hindi niya hinayaang mahawakan ng iba ang mga karne ng baboy at baka na inihanda sa kasalan.

Aniya, siniguro niyang malinis at nilutong maigi ang mga putaheng inihanda sa reception. Ngunit kanya ring inamin na may isang sangkap sa kanyang putahe na nakabukas na nang binili sa tindahan.

Ito ngayon ang iniimbestigahan ng Provincial Health Office ng Iloilo na maaaring naging sanhi ng pagkalason ng mga biktima.

Nagsagawa na rin ng rectal swab test sa mga biktima upang ma-ikumpara sa resulta ng laboratory examination ng mga samples ng pagkain na ipinadala sa Research Institute for Tropical Medicine ng Department of Health.[ABS-CBN_ILOILO]

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments