TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK


    Quote of the Day

    Never trust men with short legs. Brains too near their bottoms.

    Noel Coward



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES

"Nuisance Candidates", usap-usapan sa social site.

Nakiusap ngayon sa publiko si Comelec Spokesman James Jimenez na huwag munang husgahan ang mga kandidato bilang "nuisance" kahit hindi sila gaanong popular. Kalat na kalat kasi sa internet ang nasab...

Pastillas Girl, tila ibinubugaw na. - Gabriela.

Sa darating na October 13, 2015 itinakda ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ang dayalogo sa mga producers ng isang Noontime Show sa Kapamilya Network, ang Showtime dahil ...

Nakakatulong nga ba o nakakasama ang teknolohiya?

Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya ay nakakabuti o nakakasama. Marami ang naniniwala na ang teknolohiya ay may masamang epekto sa ating lipunan, pero marami rin ang pabor sa p...




TIPS
  • Kaalaman tungkol sa sakit na Hand Foot and Mouth Disease.
  • Tamang paraan para makaiwas sa sunog.
  • Ano ba ang Dengue?
  • Ano ba ang Glaucoma?
  • Mga kaalaman tungkol sa atake sa puso.
  • Tamang pagkalinga sa matatanda.
  • Ano ba ang depresyon?
  • Mga paraan upang makaligtas sa lindol.
  • Paano malalaman kung may rabies ang isang tao:
  • Paano nga ba maiwasan ang Food Poisoning?
  • Mga kaalaman tungkol sa atake sa puso.

    Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
    Posted at Wednesday, August 5, 2015

    Ang Atake sa Puso o myocardial infarction ay nagaganap kapag ang kalamnan sa puso ay nasisira dulot ng pagbabara ng namuong dugo sa ugat na nakarekta sa puso o coronary artery.

    Ang coronary arteries ang daluyan ng dugo na nagdadala ng oxygen at dugo sa puso. Kapag nabarahan ito at hindi nakadaloy nang mabuti ang dugo at oxygen, nagiging sanhi ito ng pinsala sa masel sa puso.

    Ang pagbara ay maaaring magmula sa mga deposito ng taba na tinatawag na plak o plaque, isang pulikat sa daluyan ng dugo o namuong dugo.

    Kapag napinasala ang masel sa puso, paninikip ng dibdib ang unang mararamdaman ng pasyente at kapag hindi naibalik ang sapat at tamang daloy ng dugo sa puso sa loob ng 20 hanggang 40 minutos, maaring humantong ito sa pagkamatay ng masel ng puso. Tuluyan itong mamamatay anim hanggang walong oras pagkatapos magsimula ng atake.

    Karamihan sa mga atake sa puso ay nangyayari nang biglaan at minsan naman ay hindi masyadong masakit. Madalas ang taong apektado nito ay hindi sigurado kung anong nangyayari sa kanila at naghihintay ng mahabang panahon bago pa sila humingi ng tulong o umaksyon.


    Mga Sintomas:
    - Paninikip ng Dibdib (karamaihan sa nakakaranas ng atake sa puso ay nakakaramadam ng paninikip sa gitna ng dibdib na tumatagal ng ilang minuto o kaya ay nawawala at bumabalik din ito. Ang pakiramdam nito ay parang nadidiin at pinipiga ang dibdib.)
    - Pananakit ng ibang parte ng katawan (kasama sa sintomas nito ay ang hindi kompartableng pakiramdam ng pang-itaas na parte ng katawan tulad ng braso, leeg, likod, panga o tiyan.)
    - Hirap sa Paghinga (nakakaranas din ng paninikip ng lalamunan at hindi komportableng lagay ng dibdib.)
    - Pagpapawis
    - Pagsusuka
    - Pagkahilo

    Mga Panganib:
    - Paninigarilyo (ang sigarilyo ay nagtataglay ng mga kemikal na nagdudulot ng pinsala sa daluyan ng dugo sa puso, pinabibilis ang progreso ng atherosclerosis, at nadadagdagan ang peligro ng atake sa puso.)
    - Pagtaas ng Presyon (ang pagtaas ng presyon ay isa sa mga dahilan ng pagdevelop ng atherosclerosis at atake sa puso. Ang mataas na systolic pressure at mataas na diastolic pressure ay nakakadagdag sa panganib na magkaroon ng atake sa puso.)
    - Mga mamantikang pagkin
    - Mataas sa LDL (bad cholesterol}
    - Mababa sa HDL (good cholesterol)
    - Diyabetes (ang mga pasyenteng may sakit na diyabetes ay may mataas na atherosclerosis sa katawan. Kung kaya't sila ay may mataas na posibilidad na magkaroon ng coronary heart disease, kakulangan ng daloy ng dugo sa binti at erectile dysfunction. Maaring maiwasan ang mga ito kung ang pasyente ay mage-ehersisyo, magbabawas ng timbang, tamang pagkain at pagkontrol ng blood sugar level.)
    - Edad (mas matas ang posibilidad na makaranas ng atake sa puso ang mga lalaking 45 taon pataas at mga babaeng 55 taon pataas.)
    - Nasa lahi (ang mga taong may kasaysayan sa sakit sa puso ay may mataas na posibilidad na magkaroon ng atake sa puso lalo na kung ang mga kamag-anak na lalaki (edad 55 pababa) ang inatake sa puso.)

    Paggagamot/Panlunas:
    Kapag ang isang tao ay nakakaranas na ng sintomas ng pagatake sa puso, dapat ay magpadala na siya agad sa ospital upang masuri at mabantayan mabuti. Kinakailanagan ding ma-monitor ng ECG o electrocardiogram ang pasyente dahil maaring biglang bawian ng buhay kung hindi maagapan ang taong nakakaranas nito. Ang mga sumusunod ay ang agarang panlunas sa maagang pagatake sa puso:

    - Pag-inom ng nararapat na gamot
    Thrombolytic - nakakatulong sa pagtunaw ng mga balakid sa ugat sa puso
    Beta Blockers - nakakatulong sa pagtighaw ng paninikip sa dibdib at pagwasto ng arrhythmias (iregular na tibok ng puso)
    Angiotensin-Converting Enzyme (ACE) Inhibitors - nakapagpapababa ng presyon
    Anticoagulants - nakakatulong sa pagpapanipis ng dugo at sa pagiwas ng pamumuo ng dugo
    Antiplatelet - tulad ng aspirin and clopidogre, ay nakakatulong upang maiwasan ang pagkakakumpol-kumpol ng mga namuong dugo.
    - Mga medikal na pamamaraan tulad ng Angioplasty at Coronary Artery Bypass Grafting
    - Pagpapagaling sa labas ng Ospital - maliban sa mga gamot, ang mga pasyenteng kalalabas ng ospital ay maari ding bigyan ng rekomendasyon ng kanilang doktor na magbago ng istulo ng pamumuhay tulad ng pagtigil sa paninigarilyo, pagbawas ng timbang at pagehehersisiyo upang maiwasan ang pag-ulit ng atake sa puso.

    TambayanNiJondelPH.blogspot.com

    RELATED ARTICLE'S

    Post your Comments