Philippine Eagle na si Pamana, patay sa pamamaril sa Davao Oriental. Eto ang kinumpirma ni Dennis Salvador ng Philippine Eagle Foundation.
Natagpuang patay si Pamana noong Agosto 16, isang kilometro mula sa Barangay San Isidro sa nasabing probinsya.

Base sa necropsy, ang 3 taong gulang na eagle ay nagtamo ng tama ng baril sa kanang dibdib. Nabasag din ang scapula nito.
Matatandaang pinalaya si Pamana sa virgin forest ng Mt. Hamihuitan, isang UNESCO Heritage Site, noong nakaraang taon. Ito'y matapos siyang dalhin sa PEC mula nang matagpuan ito sa Mt. Gabunan Range sa Iligan City noong 2012.
Patuloy pang inaalam kung sino ang bumaril kay Pamana, pero mahaharap umano ito sa kasong paglabag sa Wildflife Act of 2002.
Dahil dito ay mas paiigtingin ang campaign at public education para sa campers upang mas mahigpit na maipatupad ang batas na nagpoprotekta sa wildlife species.