Dito po sa ating bansa, ating pinagmamalaki na inaalagaan natin ang mga nakakatanda sa atin. Hindi tulad sa ibang bansa, ang mga elderly sa Pilipinas ay mas alaga at mas kinakalinga. Mga kapanalig, totoo nga po ba ito? Talaga nga bang alaga natin at nauunawaan natin ang tunay ang kapakanan ng mga senior citizens?
Ayon sa isang pag-aaral noong 2004 na pinirisinta sa isang convention on statistics, ang ating bansa ay hindi pa naka-develop ng maayos na social protection para sa mga elderly citizens nito.
Ang nakagawian po kasi natin ay ang gawing dependent ang mga may edad sa kanilang mga anak o mga nakakabatang kapatid. Ang mge elderly lamang na may sariling kita at bahay ang medyo independent, lalo na kung malakas-lakas pa. Pero ang totoo, wala talagang maayos at sistematikong plano para sa kanila.
Tamang pagkalinga sa matatanda:
Kapag may inaalagaang magulang na may sakit:
– Siguraduhing lahat ng ipaiinom na gamot ay inireseta ng doktor
– Huwag kalimutang painumin ng gamot sa oras na itinakda. Nagiging epektibo lamang ang gamot kapag iniinom ito sa itinakdang oras at kung paano iinumin. Halimbawa, bago kumain o pagkatapos kumain.
– Pakainin nang sapat at balanseng pagkain ang maysakit.
– Pakainin sila ng mga pagkaing mayaman sa fiber para makatulong sa mabilis na pagkatunaw ng pagkain at sa regular na pagdumi.
– Kung nakaratay na, siguraduhing pagpalit-palitin ng posisyon para mahanginan ang likod para maiwasan ang pagkasugat ng likod sanhi ng matagal na pagkakahiga.
– Siguraduhing tuyo at hindi napapawisan ang kanilang likod para maiwasan ang mga sakit tulad ng pulmonya at ubo.
– Ilabas sa pamamagitan ng wheel chair o tungkod ang maysakit para naman makalanghap ng sariwang hangin.
– Makabubuti ring samahang maglakad nang paunti-unti para naman magkaroon ng kaunting ehersisyo ang katawan ng maysakit.
– Mainam na painumin ang maysakit ng maraming tubig. Maliban na lamang kung may restriksiyon.
– Ang pagmamasahe o paghaplos ay nakagagaan ng pakiramdam ng maysakit.
– Hindi lang ‘pag may sakit kailangang alagaan ang matatanda. Kadalasan, marami nang nalilimutan ang mga taong tumatanda. Marahil dulot ito ng kakulangan sa nutrisyon, pagod, sobrang pag-inom at paninigarilyo, kakulangan sa ehersisyo, at marami pang iba.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Tamang pagkalinga sa matatanda.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Monday, August 3, 2015
10:11 AM