TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

TARGET:Ika-5 na labas

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Monday, August 3, 2015

"Bakbakan"
written by JondelLijares

Umaalingawngaw sa loob ng hospital ang mga putok ng baril na galing sa loob ng ICU. Nag-panic ang lahat. Hangos kaagad ang dalawang security guard sa ICU.

Parehong naglu-load ng bala sina Victor at ang babaeng killer nang datnan ng dalawang security guard.

"Tigil!" ang sigaw ng unang security guard.

"Ibaba niyo ang inyong mga baril!" ang sigaw naman ng ikalawang security guard.

"Pulis ako!" ang balik sigaw ni Victor sa dalawang security guard kasabay pakita ng kanyang badge.

Tagilid, ang nasa isip ang babaeng killer. Tatlo na ang kanyang kalaban. At posible pang dumami. Dahil sa mga oras na iyon, tiyak meron nang tumatawag sa pinakamalapit na presinto upang humingi ng tulong sa mga pulis.

Gayunman, nanlaban pa rin ang babaeng killer. Sa katunayan, nagawa pa nitong itumba ang dalawang security guard bago tuluyang nakapuslit.

Pero, hindi papayag si Victor na tuluyan itong makatakas. Hinabol niya ito.

Sa fire exit, minsan pang nagkaputukan ang dalawa. Nang muling maubusan ng bala, muling nagpang-abot ang dalawa, muling nagkasukatan ng lakas at kaalaman sa martial arts. Nagkandagulung-gulong at nagkandahulug-hulog  ang dalawa sa bakal na hagdanan. Pero, tuloy pa rin ang upakan. Kunwari ay hindi iniinda ng mga ito ang sakit ng sipa at suntok na tinatamo mula sa isa't-isa. Kunwari ay balewala lang sa mga ito ang mga bukol at pasa. Tila ba mga bakal ang katawan.

Nagkasukatan ng lakas at kaalaman sa martial arts ang dalawang magkatunggali, si Victor at ang babaeng killer. Kahit nagkandagulung-gulong at nagkandahulug-hulog ang mga ito sa bakal na hagdanan, tuloy pa rin ang upakan.

Nang marating ng mga ito ang ibaba, tinakbo ng babaeng killer sa parking lot ang kanyang 2015 Lamborghinni na kulay itim, tinakbo rin ni Victor sa parking lot ang kanyang Ford Mustang na kulay pula.

Sa paghahabulan, nakarating ang dalawang sasakyan sa kahabaan ng Lacson Street. Manaka-naka ay naggagantihan ng paisa-isang putok ang nakalulan. At ewan ba naman kung bakit nang mga sandaling iyon ay wala man lamang ang mga itong nakakasalubong kahit isang patrol car ng pulisya. Maliban sa mga behikulo na walang tigil sa pagyayao't sa mga lansangan, mangilan-ngilan lamang at halos puwede mo ngang bilangin sa iyong mga daliri.

Mayamaya ay nasa Mandalagan na ang dalawang sasakyan, saglit pa ay nasa bangga pepsi na, hanggang tuluyan nang nakalabas ang mga ito sa Bacolod na papuntang Talisay.

Tuloy pa rin ang tugisan ng dalawang sasakyan. Tuloy pa rin ang pagpapalitan ng putok. Basag-basag na ang windshield sa unahan ng Ford Mustang ni Victor, basag-basag na rin ang windshield sa hulihan ng 2015 Lamborghinni ng babaeng killer.

"Talagang hindi ako titigilan ng animal na ito!" ang bulong ng babaeng killer sa sarili habang nakatingin sa rearview mirror ng kanyang sinasakyang Lamborghinni. " Malapit na akong maubusan ng gasolina! Malamang nito, kapag nagkaganoon, masasakote ako ng lintek na ito!"

Panay ang pagkakaapak ng babaeng killer sa accelerator, at si Victor naman ay ganoon din. Pero hindi magkaiwanan nang malayo ang dalawang sasakyan na halos pareho lang ang tulin.

Sa dakong unahan, isang pagkatalim-talim na kurbada. Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa labi ng babaeng killer. Bigla itong tinadyakan ang preno. Bitbit ang isang telescopic rifle, kaagad itong humarap. Inasintang mabuti ang tatargetin, ang isang gulong sa unahan ng humahabol na sasakyan.

"Sige pa! Konting lapit pa!" ang sabi ng babaeng killer sa sarili.

Kulang sa trayenta metrong layo, pinisil ng babaeng killer ang gatilyo ng hawak ng telescopic rifle.

Flat Tire!

Gumewang ang Mustang ni Victor. At sa tulin ng kanyang pagpapatakbo, bagaman at nagawa pa niyang tadyakan ang preno bago pa niya nagawang kabigin nang pakaliwa ang manibela ay sumalpok na siya sa isang poste sa gilid ng highway.

At bago pa man siya nakababa, mabilis nang naglaho sa matalim na kurbadang iyon ang sasakyang kanyang hinahabol.

Hinayang na hinayang ang sabi ni Victor sa sarili.

itutuloy...

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments